LAGAWE, Ifugao – Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang lalaki ilang oras makaraang masawi ang kanyang kinakasama matapos na matabunan ng gumuhong bundok ang kanilang sasakyan sa may Tinoc-Buguias Road nitong Martes, ayon sa Ifugao Police Provincial Office (IPPO).

Nabatid kay Senior Supt. Constancio Chinayog, IPPO director, na namatay nitong Miyerkules si Simeon Dionisio Lacbao, 45, dakong 1:00 ng hapon habang ginagamot sa Luis Hora Memorial Hospital sa Buguias, Benguet.

Agad namang nasawi sa aksidente ang live-in partner ni Lacbao na si Elvie Basari Ulo-an, 32 anyos.

Ayon kay Chinayog, galing sa Barangay Abatan sa Buguias at pauwi na sa Tinog, Ifugao sina Lacbao at Ulo-an sakay sa kanilang Tamaraw nitong Martes ng hapon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pagsapit sa Sitio Pakawan sa Bgy. Tukucan, Tinoc ay biglang gumuho ang gilid ng bundok dulot ng malakas na ulan at tumabon ito sa sasakyan. (Rizaldy Comanda)