Agosto 19, 1909 nang manguna ang automotive engineer na si Louis Schwitzer sa isang karera na idinaos sa Indianapolis Motor Speedway sa Indianapolis, Indiana. Ang karera na dinaluhan ng halos 12,000 manonood, binubuo ng dalawang lap, at may habang limang milya.
Naitala ni Schwitzer, chief engineer ng Stoddard-Dayton, ang 57 milya kada oras. Minaneho niya ang sasakyang may four-cylinder engine, sa track na tinakpan ng pininong mga bato. Ang Indianapolis Motor Speedway ay tinawag na Indianapolis 500 race.
Nagtapos si Schwitzer, isinilang sa northwestern Austria noong 1881, ng electrical at mechanical engineering.
Nagtrabaho rin siya sa Canada Cycle and Motor Company, at idinisenyo ang “Marmon Yellow Jacket” engine.
Sa kasagsagan ng World War I, nagtrabaho si Schwitzer sa United States Army Motor Transport Corps. Dinivelop din niya ang mga water pump at automotive cooling system.