TATLUMPUNG taon na ang nakalilipas nang mangyari ang Edsa Revolution at naka-move on na ang ating bansa. Limang pangulo na ang nagdaan na binubuo ng dalawang Aquino. Kaya itigil na ang pagtatalo at isuko na natin ang ating mga sarili mula sa madilim na nakalipas.
Sa inagurasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte—pinalakpakan siya nang ipahayag niya sa publiko na: “As we move forward, we must not allow the past to pull us back.”
Si Marcos, Ferdinand Sr. ay NAKARAAN na. Nakalulungkot lamang na may ilang tao na ginagamit siya hindi lamang para tayo’y malugmok, kundi para narin magkawatak-watak.
Kailangan nating magpakatotoo sa ating mga sarili. Gusto ba talaga nating mag-move on o mamuhay pa rin sa nakaraan na nais na nating ibaon sa limot? Ibaon na natin ang nakaraan kasabay ng paglilibing sa mga labi ni dating Pangulong Marcos.
Pagdating naman sa Duterte administration kaugnay sa industriya ng pagmimina, kinakailangang maging responsable ang mining community.
Dahil sa pagbabagong ito, isang samahan ng mga nagdaang mining laborer ay mapapasama sa batalyon ng mga Pilipinong walang trabaho.
Bumuo ang isang grupo ng mga retiradong journalist at business executives ng isang kumpanya na pinanglanang “Agri de Mina, Inc. -- or AMI – isang korporasyon na may layuning ibalik ang mga naabusong lugar sa produktibong lupa.
Tinapik ng AMI ang country head, si Jaime C. Vistar, ng UNIGROW International—ang miracle “fertilixer element” na ginagamit ng People’s Republic of China upang tugunan ang pangangailangan ng 2 bilyong nagugutom na Chinese.
Ang tagumpay ng UNIGROW ay pinagtibay ng universal record nito na gawing sentro ng pag-aani ang agricultural wastelands.
Si Engineer Edmundo Morales Tolentino, ang napakasipag na chairman ng PDP-Laban, Aklan chapter, ay pumanaw nitong Martes. Si Tolentino ay naging chair ng PDP-Laban na inorganisa noong 1986-87 ayon na rin sa kautusan ni dating Secretary Nene Pimentel ng DILG. Ang kilalang civil engineer at construction contractor, si Tolentino, ay nagsilbing board member ng Aklan at executive director ng Luneta Development Authority.
Si DILG Secretary Mike Sueno, na personal na nanguna sa pag-aksiyon ng Aklan PDP-Laban sa kasagsagan ng eleksyon ay inaasahang kikilalanin ang mga kontribusyon ni Tolentino sa pangangampanya ni Pangulong Duterte.
Nakikiramay kami sa pamilya ng Aklan leader, na kinokonsidera naming isang pilantropo at makatao. (Johnny Dayang)