ANG isa sa hindi matutumbasang kasiyahan ay kapag nakikita nating masisigla at masasaya ang mga batang animo’y walang iniindang karamdaman. Tulad na lamang ng mga bata sa Childhaus na nakikipaglaban sa kani-kanilang sakit. Ang tanging kailangan nila ay pag-aaruga o pagkalinga at medikasyon, kaya ilang Kapuso ang nagdala sa kanila ng pag-asa at nagbigay ng kasiyahan para maibsan ang kanilang kalungkutan.

Isa si Taguig Mayor Lani Cayetano sa mga nagbigay kasiyahan sa mga bata sa Childhaus, ang pansamantalang tuluyan ng mga batang may sakit kasama ng kanilang mga magulang na itinataguyod ng beauty expert, pilantropo at TV host na si Ricky Reyes. Si Lani ay likas na matulungin sa kapwa lalo na sa kabataan at nagtatag ng kanyang Lifeline Assistance for Neighbors in Need. Kapaki-pakinabang na mga kagamitan sa mga pansamantalang nanunuluyan sa Childhaus ang kanyang iniregalo.

Samantala, mahalaga naman ang pagkakaroong ng magandang ngipin dahil ito ang ating unang napapansin sa tuwing humaharap tayo sa ibang tao. Iba ang nagagawa nito sa ikagaganda ng ating mukha. Ang teeth problems ay kayang-kayang solusyunan ni Dok Edgar Dungo at presto, muling tatamis ang inyong mga ngiti.

Muli ring mamangha sa power ng magnesium para sa ating kalusugan at ngayong tag-ulan na, tayo nang kumain ng mga pagkaing pampainit sa taglamig.

Tsika at Intriga

Lakbayaw heartthrob Marco Navarra, sasabak na sa pag-aartista!

Lahat ng mga ito ay ibabahagi ng host na si Ricky Reyes sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh ngayong Sabado, Agosto 20, 9-10 ng umaga sa GMA News TV.