ANG kawalan o malayong mabibilhan ng mga mga sariwang pagkain ay maaaring magdagdag ng panganib sa mga residente para magkaroon ng mga senyales ng maagang sakit sa puso, ayon sa bagong research sa journal ng American Heart Association na Circulation.
“The lack of healthy food stores may help explain why people in these neighborhoods have more heart disease,” saad ni Jeffrey Wing, Ph.D., M.P.H., co-lead author at assistant professor ng Department of Public Health sa Grand Valley State University, Grand Rapids, Michigan. “The thought is that greater access to healthier foods may have promoted healthier diets and, in turn, less coronary plaque formation.”
Napag-alaman sa mga nakaraang pag-aaral na ang limitadong suplay ng mga sariwang pagkain o ang maraming fast food restaurants sa mga mahihirap na kabahayan ay maiuugnay sa unhealthy diets. Ang mga residente sa mga lugar na ito ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng maagang atherosclerosis (isang sakit na nagpapatigas ng arteries at nagiging dahilan ng maraming uri ng sakit sa puso), ngunit wala pang pag-aaral na sumusuri kung anu-ano ang factors na maaaring magdulot nito.
Sa pag-aaral na ito, sinaliksik ng mga researcher kung nakakapag-ambag ang mga kakulangan ng recreational faculties, healthy food stores, neighborhood walkability, at social environment sa maagang yugto ng artherosclerosis sa 5,950 na matatanda na nakatala sa Multi-Ethnic Study of Atherosclerosis (MESA) sa 12 year follow-up period.
Maaaring sukatin ang coronary artery calcium sa tulong ng CT scan para malaman ang bilang ng artherosclerosis sa arteries ng isang tao. Lahat ng lumahok ay sumailalim sa CT scan sa simula ng pag-aaral. Sa mga kalahok sa MESA, 86 porsiyento ang may coronary artery calcium readings na magkakaiba ang resulta sa tatlong pagsukat, na may karaniwang 3.5 taon ang pagitan.
Matapos hindi isama ng mga researcher ang ibang mga katangian sa komunidad, kabilang ang recreational centers, ipinahihiwatig ng datos na ang kakulangan ng access sa mga heart-healthy food store ang karaniwang dahilan sa pagpapabilis ng coronary artherosclerosis sa mga middle-aged at matatandang indibiduwal.
“We found that healthy food stores within one mile of their home was the only significant factor that reduced or slowed the progression of calcium buildup in coronary arteries,” ani Ella August, Ph.D., co-lead author na nagpasimula ng pag-aaral at clinical assistant professor ng epidemiology sa University of Michigan sa Ann Arbor. “Our results point to a need for greater awareness of the potential health threat posed by the scarcity of healthy grocery options in certain neighborhoods.”
Sinabi ng mga researcher na kailangang suruin ng mga susunod na pag-aaral ang impact ng mga specific intervention, tulad ng pagtataguyod ng malapit na bilihan ng healthy foods.
Inirerekomenda ng American Heart Association ang pagsunod sa heart-healthy diet high na binubuo ng mga prutas, gulay, whole grains, legumes, beans, nuts, low-fat dairy, skinless poultry, at isda. Iminumungkahi nito ang pagkain na mababa sa saturate, trans fats, at sodium. (Medical News)