Bubuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu ng West Philippine Sea (WPS) kapag naka-face to face nito ang mataas na opisyal ng China.
“I will only bring up the issue when we are together face to face (with China)... because if we quarrel with them now and you claim sovereignty, make noise here and there, they might not just even want to talk,” ayon kay Duterte sa isang press conference sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nang tanungin kung plano nitong ilutang ang isyu ng WPS sa ASEAN Summit na idaraos sa susunod na buwan.
Si dating Pangulong Fidel Ramos na special envoy sa China, ang gumagawa umano ng paraan para makapag-usap ang Pilipinas at China, samantala namimintina pa umano ang magandang relasyon ng dalawang bansa hanggang sa kasalukuyan.
“Let us create an environment where we can sit down and talk directly, then that is the time I would say, we proceed from here, we proceed from this,” ani Duterte.
Kasabay nito, muling binigkas ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas, kung saan hindi opsyon ang giyera sa pagresolba sa territorial dispute na namamagitan sa Pilipinas at China.
“Eh kung awayin ko? Sabihin niya, ay ayaw ko makipag-away, ayaw ko makipagsalita sa inyo. Bahala kayo sa buhay niyo.
Can we do anything? Wala man tayong magawa. Can we declare war? It is not an option,” ayon sa Pangulo.
(ELENA L. ABEN)