Liza-Soberano

DESTINY ni Liza Soberano ang stardom o superstardom, depende kung mapapanatili niya ang values o humility o obedience sa manager niya at sa iba pang mga taong nagmamalasakit sa kanya.

Nang gawin nila ni Enrique Gil ang Forevermore (2014-2015), sinulat namin na virtually unknown siya sa showbiz at sa fans nang umakyat sa Mt. Cabuyao, Tuba, Benguet. Nang matapos ang serye at bumaba sa Maynila ang production after seven months, isa na siya sa biggest stars ng Philippine entertainment industry.

Simula noon, nagbida na rin ang LizQuen love team sa dalawang pelikula, Just The Way You Are at Everyday I Love You (with Gerald Anderson) na parehong lumampas sa P100M mark ang box office income at sa kasalukuyang umeereng Dolce Amore.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Umabot sa tatlong chapters ang Dolce Amore na tumakbo ng anim na buwan, halos kasing haba rin ng Forevermore, na sa sobrang lakas ng following ay nadodoble ang ratings ng katapat na programa.

Hard worker at alpha female si Liza na nangarap ng napakatayog para sa pamilya niya. Naging breadwinner siya, at sa edad na disiotso, tinupad ang matatayog na pangarap na iyon.

Ngayong buwan, magtatapos ang bagong serye ni Liza na unti-unti nang napapatunayang hindi nagkamali ang first impression namin sa beauty o aura niya na hindi lang pang-Philippine showbiz kundi pang-Hollywood din.

Sa rami ng mga artistang Pinoy, tanging kay Liza Soberano lang ‘tila may natural affinity ang international stars.

Humahaba ang listahan ng Hollywood counterparts ng dalaga na nakaka-appreciate rin sa beauty niya, tulad nina Justin Bieber, The Vamps, Ariana Grande, Selena Gomez, Camila Cabello ng Fifth Harmony, at latest si Charlie Puth.

Ito ang isa sa mga naging paksa ng interview sa kanya sa press visit sa taping ng Dolce Amore sa Clinica Antipolo Hospital last Tuesday night, bagamat agad siyang nakiusap na ayaw niyang maging isyu ang pagtanggi niya sa imbitasyon ni Charlie Puth sa concert nito sa Kia Theater last Sunday.

Sa naturang concert, inamin ng American singer/songwriter/producer na attracted ito sa kay Liza.

Klinaro rin ng dalaga ang intriga na sinasadya raw niyang makipaglapit sa international celebrities.

“Hindi ako pumupunta ng concert kung hindi ko naman talaga bet, hindi ko idol or something,” sabi ni Liza. “At hindi naman ako nagpapapansin sa mga nagpa-follow at nagmi-message sa akin. I mean, hindi sa nagyayabang ako, pero hindi ko sinasadya na gawin nila iyon. Hindi ako ‘yung nagga-grab ng attention nila.”

Maraming masasabi ang ilang naiinggit o nai-insecure kay Liza Soberano. Pero water seeks its own level, wika nga. At sadyang destiny ‘yan ni Liza.

Umikot lang muna ang kapalaran niya, dahil doon na nga mismo siya sa California isinilang. Sa tabi-tabi lang ng Hollywood. Pinauwi pa muna siya sa bayan ng tatay niya, kaya pinalad tayong masilayan ang beauty at kahusayan niya sa pagganap.

Inborn ang Hollywood beauty ni Liza. Pero hindi lang pang-star quality ang beauty niya. Actress si Liza Soberano, sa tunay na kahulugan ng salitang ito. Pambihirang kumbinasyon na wala sa maraming artista. (Dindo Balares)