Iniimbita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dayuhang namumuhunan na magnegosyo sa bansa, kung saan tiniyak ng Pangulo na personal nitong sisilipin ang proseso upang hindi sila mahirapan at maiwasan ang kurakutan.
“Do not be afraid to invest in the Philippines, whether as help or by assistance or business investment, come here.
There will be no hanky-panky. No asking for tips and everything,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa police service anniversary sa Camp Crame, Quezon City noong Miyerkules.
Muling binigyang-diin ng Pangulo ang adhikain nito hinggil sa pagkakaroon ng malinis na gobyerno upang mas marami pang negosyante ang maengganyong mamuhunan sa bansa.
“All you have to do is to tell me, call me, there’s a number, and I will do the processing myself for you. I will give you the paper with you just sitting down,” ayon sa Pangulo. (Genalyn Kabiling)