Dahil sa unliquidated travel expenses, ipinasya ng Office of the Ombudsman na kasuhan ng kriminal ang isang dating administrator ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Si dating LWUA administrator Daniel Landingin ay pinapanagot ng Ombudsman sa kasong paglabag sa Article 218 (Failure to Render Account) ng Revised Penal Code dahil sa pagkabigo nito na i-account ang cash advances nito na aabot sa P57,698.94.

Kabilang sa pinaggamitan nito ng pondo ay ang incidental expenses nito sa opisyal na biyahe nito sa Singapore noong Marso 2011.

“Investigation showed that Landingin was only able to fully account for the pre-travel expense amounting to P1,500 but the amount of P57,698.94 remained unliquidated 60 days after his return to the Philippines, in contravention of Commission on Audit (COA) Circular 97-002,” ayon sa reklamo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa Ombudsman, binigyan pa ng sapat na panahon ng COA si Landingin ngunit nabigo pa rin ito na maipaliwanag ang mga ginastos nito sa nasabing biyahe nito sa ibang bansa. (Rommel Tabbad)