SAN JUAN, La Union – Isang dating miyembro ng Sangguniang Bayan sa munisipalidad na ito ang binaril at napatay ng mga hindi nakilalang suspek habang nakikipag-inuman sa harap ng isang sari-sari store sa Barangay Ili Sur, San Juan, pasado 7:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Pocholo Aquino, ng Bgy. Ili Sur.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay sa isang motorsiklo.

Nagtamo si Aquino ng maraming tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo at katawan at isinugod sa Lorma Medical Center sa San Fernando City ngunit hindi na siya umabot nang buhay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Si Aquino ay kasama umano sa drug watchlist ng San Juan. (ERWIN BELEO)