J.K copy

MARAMI talagang masasabi si J.K. Rowling tungkol sa Hogwarts.

Kinumpleto na ng manunulat ng Harry Potter ang serye ng maikling digital work na Pottermore, na nakasentro sa paaralang nagturo ng magic kay Harry at mga kaibigan niya. Ilalabas ang tatlong koleksiyon sa Setyembre 6 sa website ng Pottermore na pottermore.com, ayon sa pahayag na inilabas nitong Miyerkules.

Kabilang sa ilalabas na mga serye ang Power, Politics and Pesky Poltergeists, Short Stories from Hogwarts at Hogwarts: An Incomplete Guide and Unreliable Guide.

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

Tuluyan nang naging busy ngayon si Rowling. Noong Mayo, pinarangalan siya ng PEN, isang literary at human right organization. Nagbukas naman nitong Hulyo ang stage production na Harry Potter and the Cursed Child at ipapalabas na sa Nobyembre ang pelikulang Fantastic Beasts and Where to Find Them na siya ang sumulat ng screenplay. (AP)