INIHAYAG ng Komisyon ng Wikang Filipino na ang Kiniray-a, isang diyalekto na ginagamit sa Antique at katimugang Iloilo, ay opisyal nang kabilang sa 19 na pangunahing lengguwahe ng bansa.

“Proof of this is that Kiniray-a literature and other works of Antiqueño writers — poems, short stories, riddles, festivals — are being translated into Filipino so that students and teachers in other parts of the country could peruse them,” ani Celestino Dalumpines IV, education program supervisor sa Antique Division ng Department of Education. Siya ang naatasan sa mga programa para sa Mother Tongue.

“This is some sort of an exchange of traditions and culture between and among the many language groups in the country,” dagdag ni Dalumpines.

Sinabi ni Dalumpines na ang Kiniray-a ay naging pangunahing diyalekto para sa pagtuturo mula Grade 1 hanggang 3 sa ilalim ng K to 12 basic education program, na sinimulang ipinatupad ng Department of Education noong Hunyo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ipinaliwag niya na ang isang bata na nagsasalita sa kanyang mother tongue simula nang mag-aral ay mas makakaintindi at mas makapagbibigay ng pagpapahalaga sa sarili niyang kultura.

Ang paggamit ng mother tongue ng isang tao ay maaaring makahubog sa isang mag-aaral ng pagmamahal sa sariling kultura, aniya.

“If we want our students to learn well, we should first teach them how to speak well,” ani Dalumpines, idinagdag na maraming salita ng Kiniray-a ang naisama na sa bokabularyo ng mga Pilipino.

Sinabi pa ni Dalumpines na ginamit ang Kiniray-a sa indie film na “Tuos,” na pinagbibidahan ni Nora Aunor at idinirehe ni Roderick Cadrido. Ang Antiqueño playwright, na nakabase sa Manila na si Glen Mas ang nagsalin ng script na nasa Filipino at ginawang Kiniray-a.

Ang maiksing pelikula ay tungkol sa “binukot” (kept-maiden), na ginagamit pa rin ng mga tao sa kabundukan ng Antique.

Kinunan ang buong pelikula sa mga bundok ng Antique. Nagsilbing language coach para sa Kiniray-a si Dalumpines.

Ang “Tuos”, na ipinalabas na sa ibang bansa at maaaring maging panlaban sa Cannes Film Festival o kaya sa Oscars, ay ipinalalabas kasabay ng selebrasyon ngayong Agosto ng “Buwan ng Wikang Filipinno”.

Sa buwan ng Pilipino, naghanda rin ang Filipino Division ng Department of Education ng isang talents showcase, na kilala bilang “2016 Pansangay Tuklas Talino at Talento”. Gaganapin ito mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Agosto 28 sa Place Activity Center ng Robinson sa Barangay San Angel, San Jose.

Maglaban-laban ang mga estudyante ng probinsya para sa pagsusulat ng tula, theatre prose writing, declamation, at choral reading, lahat ay nasa wikang Filipino. Ang mga mananalo ay magiging kinatawan ng probinsya sa regional level.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino: Wika ng Kaunlaran.” (PNA)