MEXICO CITY (AFP) – Pinangangambahan ang panibagong digmaan ng magkakaribal na cartel sa Mexico matapos ang pagdukot sa anak ng drug kingpin na si Joaquin “El Chapo” Guzman.

Kinumpirma ng mga pulis na si Jesus Alfredo Guzman Salazar -- isa sa mga anak na lalaki ni Guzman sa una nitong asawa -- ay dinukot sa isang mamahaling bar sa resort city ng Puerto Vallarta noong Lunes kasama ang lima pang lalaki.

Naghihinala ang mga awtoridad na ang armadong kalalakihan na dumukot sa mga ito ay mula sa Jalisco New Generation cartel, isang baguhan ngunit malakas na karibal ng Sinaloa cartel ni Guzman.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline