TANAUAN CITY, Batangas - Patay ang isang 31-anyos na lalaki, na sinasabing nasa drug watchlist, matapos umanong makipagsagupaan sa mga rumespondeng pulis makaraan siyang ireklamo ng pambubugbog sa dalagitang anak ng kanyang kinakasama sa Tanauan City, Batangas.

Sa report ni PO1 Jhune Carlo Coballes, napatay sa engkuwentro si Mark Lacaba, ng Barangay Poblacion 3, Tanauan City.

Dakong 11:15 ng umaga nitong Miyerkules nang rumesponde ang grupo ni Chief Insp. John Rellian sa reklamo ng live-in partner ni Lacaba na si Juanita Lumbres dahil sa pambubugbog umano ng suspek sa 16-anyos na babaeng anak ni Lumbres.

Nagpaputok umano si Lacaba nang dumating ang mga pulis kaya nangyari ang engkuwentro. (Lyka Manalo)
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar