ISULAN, Sultan Kudarat – Nagluluksa ngayon ang mga residente ng Barangay Sampao sa bayang ito makaraang pagbabarilin at mapatay ng riding-in-tandem ang kanilang chairman sa Bgy. Kalawag 1 habang patungo sa munisipyo.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg at likod si Rodrigo Mercado y Abao, 59, may asawa, chairman ng Bgy. Sampao, Isulan, Sultan Kudarat.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang mga basyo ng bala ng .45 caliber pistol.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin. (Leo P. Diaz)
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar