Hinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas at Sportswriters ang kanilang paghaharap sa kampeonato matapos biguin sa magkahiwalay na paraan ang nakatapat na Full Blast Digicomms at Poker King Club sa matira-matibay na semifinals ng 2016 Friendship Cup-Para Kay Mike Basketball Tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Binigo ng Bangko Sentral sa naging mahigpitang labanan ang Full Blast Digicomms, 86-78, upang sungkitin ang unang silya sa one game championships habang kinailangan ng Sportswriters ng dagdag na limang minuto upang ihulog ang matibay na Poker King Club, 89-84. sa torneo na hangad makapagkalap ng pondo sa pagpapagamot ng manunulat na si Michael “Mike” Lee.

Nakatakdang isagawa ang matira-matibay na kampeonato sa Lunes, Agosto 22. Unang magsasagupa para sa ikatlong puwesto ang Full Blast Digicomms at ang Poker King Club bago sundan ng maghaharap para sa pinakauna na korona ng torneo na Bangko Sentral at Sportswriters.

Ang torneo ay isinasagawa para makatulong kay Lee na nagtamo ng stroke habang nasa coverage ng isang multi-sports event sa Antique noong Nobyembre 10 at patuloy na nangangailangan ng panggastos para sa kanyang CT scan at medical test pati na sa kanyang rehabilitasyon at therapy.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Walong koponan ang kasali sa torneo na sinusuportahan na din ng F2 Logistics Cargo Movers at SportsCORE kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez.

Mga Iskor:

Bangko Sentral (86) – Carpio 20, Bolocon 19, Tabunan 18, Mendez 17, Gabud 5, Ilagan 3, Baraga 2, Mozar 2, Nigoza 0, Salcedo 0, Dumalo 0, Sotto 0. Eroles 0.

Digicomms (78) – Marcos 19, Rosas 19, De Leon 13, Gavino 11, Rogado 9, Bantug 5, Diaz 2, Rosales 0, Calde 0.

Quarterscores:

21-23, 44-41, 58-62, 86-78.

Sportswriters (89) – Cayanan 36, Retuya 16, Cardenas 16, Tupas 7, Ballesteros 4, J. Terrado 4, Jacinto 2, Formento 2, Cagang 2, r. Terrado 0, Leongson 0, Angeles 0, Lagunsad 0, Lozada 0.

Poker King Club (84) – JC Docto 31, Rabe 18, P. Docto 10, Gonzales 8, E. Rivera 5, Sy 5, Mendoza 4, Gacutan 2, A. Rivera 0, Borbon 0.

Quarterscores:

10-12, 25-38, 2-62, 77-77, 89-84 (Angie Oredo)