Nabaril at napatay ng mga pulis ang isang lalaki na sisitahin umano sana nila matapos maaktuhang naglalakad na armado ng baril, ngunit bigla na lamang umano nitong pinaputok ang hawak na baril sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.
Inilarawan ni SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ang suspek na nasa edad 35 hanggang 40, katamtaman ang pangangatawan, at may tattoo na “Senki” at “Abby” sa dibdib.
Sisitahin umano sana ng mga pulis ang suspek ngunit papalapit pa lamang umano sila ay bigla na lamang silang pinaputukan ng baril.
Hindi na nagdalawang-isip pa si PO1 Rod Moralidad at pinagbabaril ang suspek na naging sanhi ng pagkamatay nito.
(Mary Ann Santiago)