Alora copy

Isang araw bago sumabak sa aksiyon ay pinag-aksayahan ng panahon ng natatanging atleta ng Pilipinas na si Kirstie Elaine Alora na hanapan ng kahinaan ang kanyang makakalaban sa 2016 Rio Olympics.

Naiwan kay Alora ng taekwondo ang pinakahuling tsansa ng bansa na makadagdag medalya matapos paisa-isang makalasap ng kabiguan ang kanyang mga nakasamang pambansang atleta.

Si Alora, na dumating sa dinarayong lugar sa Brazil noong Hulyo 23, ay sasabak sa women’s +67 kg bukas, Agosto 20.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Makakatapat nito ang tinanghal na 2008 Beijing Olympics gold medalist na si Maria Espinoza ng Mexico sa ganap na 10:30 ng umaga (9:30 ng gabi Manila sa Sabado).

Hindi naman natatakot ang 26-anyos na si Alora, bronze medalist sa nakaraang 2014 Asian Games, sa kakayanan ni Espinoza at kumpiyansa na magagawa nitong makapagtala ng upset sa kalaban na halos kapantay lamang nito ang taas.

Kailangan ni Alora ng tatlong panalo upang makatuntong sa finals na sisimulan nito sa pagsagupa sa No. 1 seed sa kanyang dibisyon. Base sa kabuuang 16 na kasali sa +67 kg class, si Alora ay rank 16.

“The taller opponents are in the lower bracket,” sabi ni Alora ukol sa mga jins mul China (No. 2), Serbia (No. 6) at France (No. 7), na nagtatangkaran sa taas na lampas six feet.

Ang 5-foot-8 na si Alora ay kapantay lamang sa taas si Espinoza. Minsan nang nagharap ang dalawa bago pa ang 2008 Beijing Olympics kung saan nagwagi ang Mexican sa mahigpitang laban, 2-1.

“Kaya ko yan (I can handle her),” sabi lamang ni Alora.

Dalawa ang tsansa ni Alora na makaagaw ng medalya para itulak ang Pilipinas sa best finish sa Olympics. Ito ay kung magagawa nito magwagi sa tatlong sunod na laban at agad tumuntong sa kampeonato o mahulog sa repechages at umasang umusad naman sa kampeonato si Espinoza.

Posibleng makamit ni Alora ang tansong medalya sa repechages kung saan dalawang tanso ang iginagawad sa bawat dibisyon sa larong taekwondo.

“The only problem is that if I land in the repechages, I will move to the lower bracket and most likely end up fighting the taller entries. That’s why I think it’s more difficult to win the bronze here than get to the finals,” sabi nito.

“Mas maganda dito for me is to win three straight matches and get to the finals straight. I can’t lose my first match or in the semis only to face the taller ones in the repechages. I would rather go straight to the finals,” sabi pa ni Alora.

Sakaling makapag-uwi ng tanso si Alora ay malalampasan ng bansa ang pinakamaganda nitong kampanya sa Olympics sa pagwawagi ng tatlong tanso noong 1932 sa Los Angeles.