IT’S final, papasok din si Alden Richards sa Encantadia.
Inakala ng AlDub Nation na siya ang unang guest na papasok pero si Miguel Tanfelix pala, ang gumanap bilang Pagaspas noong five years old pa lamang ito and after 12 years ay nagbinata na. Tutulungan niya si Sang’gre Alena para mapangalagaan si Ybarro/Haring Ybrahim (Ruru Madrid) laban sa mga Hathor.
Kay Direk Mark Reyes namin nalaman na positibo ngang papasok din sa telefantasya si Alden.
“Yes, papasok si Alden bilang si Lakan,” sagot ni Direk Mark sa text message na ipinadala namin sa kanya. “Pero sekreto pa kung sino at kung ano ang character ni Lakan. Basta magti-taping na siya next week at malalaman ninyo kung kailan talaga papasok ang character ni Lakan.”
For his part, na-interview rin si Alden sa “Chika Minute” ng 24Oras last Wednesday evening at pinaghahandaan na rin daw niya ang character ni Lakan.
“Kailangan ko na pong mag-work out para maging fit ako sa character at sa costume na gagamitin ko,” sabi ni Alden.
“Sa ngayon, bawas na po ako ng kanin at puro gulay na muna ang kinakain ko. Sanay na rin po naman ako na hindi kumakain ng rice, pero minsan, hinahanap-hanap ko rin, pero ngayon, huwag muna, balik na lang ako kapag tapos na ang guesting ko sa Encantadia.”
Ayaw sabihin ni Direk Mark kung gaano tatagal sa epic-serye ang guesting ni Alden. Pero malamang daw next week,mapapanood na rin si Lakan. Matatapos naman ngayong gabi ang guesting ni Pagaspas sa Encantadia.
Kung may ilang kontra sa pagpasok ni Alden sa telefantasya, mas marami ang excited na mapanood siya dahil miss na miss na rin daw nila ang mahusay na actor na sa kalyeserye ng Eat Bulaga lang nila napapanood ngayon.
May mga nagtatanong din kung hindi ba nila igi-guest si Maine Mendoza sa telefantasiya, para raw magkaroon din ito ng chance na makagawa ng teleserye, pero siguro magdi-depend lamang iyan kay Maine mismo dahil sinabi na nga niyang ayaw niyang magteleserye at hindi niya kayang sabayan sa aktingan si Alden.
Napapanood ang Encantadia sa primetime block ng GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras. (NORA CALDERON)
