Natuldukan na ang limang buwang kalbaryo ng 35 babae mula sa iba’t ibang lalawigan, matapos silang masagip mula sa dalawang lalaki na umano’y illegal recruiter, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Police chief Ins. Ilustre Mendoza, hepe ng Station Investigation Division (SID), ang mga naaresto ay sina Romulo Almaden, 51 at Jaybert Santos, 29, kapwa residente ng Block 4, Tawilis St., Barangay 28, Kaunlaran Village ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek na sina Joseline Francisco Banoza at Allan Formato Paran.

Rep. Leviste, sa pagsasampa ng kasong libel: 'Hindi ko nais masaktan si Usec. Claire Castro!

Ayon kay Mendoza, may isang babae na humingi ng tulong sa kanilang tanggapan at sinabing may kamag-anak siya na ikinulong umano sa bahay ng mga suspek.

Dahil dito, dakong 10:00 ng gabi, nagtungo ang mga awtoridad sa bahay nina Almaden at Santos.

Matapos makumpirma ng asset na may mga babae ngang nakakulong sa nasabing bahay, kaagad itong pinasok ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakasagip sa 35 babae na nasa edad 23 hanggang 50.

Ang mga nasagip na biktima ay nagmula pa umano sa General Santos City, Cagayan De Oro, Zamboanga at Tagum City bago dinala sa Caloocan City.