MOSCOW (PNA/Sputnik) – Posibleng kumalat sa buong mundo ang yellow fever na tumatama sa Africa ngayon.

May 400 katao na ang namatay sa yellow fever outbreak sa Angola at Democratic Republic of The Congo, at kumalat na ito sa ibang bahagi ng Africa.

Sinimulan ng World Health Organization (WHO) ang vaccination campaign noong Martes para mabakunahan ang mahigit 14 na milyong katao sa mga apektadong lugar.

Sinabi ni Heather Kerr, country director ng Democratic Republic of Congo (DRC) para sa Save the Children, na pinalalabnaw na nila ang bakuna para mabakunahan ang maraming tao dahil limitado ang supply. “There is no known cure for yellow fever and it could go global,” babala niya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang lamok na nagdadala ng yellow fever ay siya ring nagdadala ng Zika virus. Mas mahina ang mga sintomas nito gaya ng simpleng lagnat o paninilaw ng balat kung saan kinuha ang terminong “yellow”, ngunit sa malalang sintomas ay maaari itong magdulot ng sakit sa atay na may kasamang pagdurugo. Mayroon nang bakuna para maiwasan ang yellow fever, ngunit wala pang gamot sa sakit sa oras na ito ay kumapit sa tao.