NAPANOOD na si Yassi Pressman bilang reporter sa FPJ’s Ang Probinsyano noong Martes ng gabi at ang tanong sa amin ng mga nakapanood, “si Yassi ba ang kapalit ni Maja Salvador?”
Matatandaang umalis na si Maja sa Ang Probinsyano dahil may bago nang commitment na kailangan niyang gawin, kaya hindi maiwasang isipin kung Yassi na nga ba ang ipinalit sa kanya.
Pero, unang-una, magkaiba ang roles nina Maja at Yassi kaya hindi puwedeng sabihing kapalit kundi idinagdag.
Nu’ng nalaman nga namin na reporter ang papel ni Yassi sa aksiyon-serye ni Coco Martin, nakapagsabi kami sa aming kausap ng, “Tama lang ang papel ni Yassi, kasi saan ka nakakita ng maraming krimeng nagaganap, eh, wala man lang reporter sa crime scene o walang nagpa-follow-up sa kaso.”
Baka nga sa sobrang kabisihan ng lahat, hindi na nila naisip na dapat lang na may reporter sa istorya.
Samantala, nu’ng huli naming makausap sa presscon ng Camp Sawi presscon si Yassi ay speechless siya sa offer ng Dreamscape sa kanya. Sino nga ba naman ang mag-aakalang mapupunta siya sa number one show sa primetime o sa buong maghapon?
“Pinapanood ko lang, ‘tapos,…” saad ng aktres na hindi niya naituloy dahil bawal pang sabihin nang mga sandaling iyon.
Hindi lang ang buong Viva team ang masaya sa nangyayari ngayon sa career ni Yassi kundi pati mga kaibigan at kaanak niya. Finally, makakatrabaho na niya ang mga artistang gustung-gusto niya.
Ang isa pang tanong sa amin ng avid viewers ng Ang Probinsyano: “Si Yassi ba ang ka-love team ni Coco? Mahilig kasi siya sa tisay.”
Hala, ayaw ni Julia Montes ng ganyan.
At ang sagot sa tanong? Siyempre siya na ang makaka-love team o leading lady ni Coco. Bagay na bagay naman, di ba?
Hala uli! (REGGEE BONOAN)