TALAVERA, Nueva Ecija - Pinaghahanap pa ngayon ng pulisya ang isang Isuzu Giga Truck tractor head na may lulang 800 kaban ng bigas na tinangay ng mga hindi kilalang suspek sa Barangay La Torre sa bayang ito, nitong Martes ng madaling araw.

Ayon sa driver na si Ruben Ranirez y Inigo, 33, may asawa, ng Cauayan, Isabela; at helper niyang si Dexter Ramirez y Guitapi, 24, magde-deliver sila sa Metro Manila nang iparada nila ang truck sa tapat ng Crystal Waves Resort para i-check ang gulong nito at mamahinga na rin.

Sa imbestigasyon ni P01 Reynaldo Cayog, Jr., dakong 2:00 ng umaga nang dalawang hindi kilalang suspek na armado ng baril ang sapilitang sumakay sa truck (RMA-322), pinukpok ng baril, piniringan at iginapos sina Ranirez at Ramirez bago isinakay sa truck at iniwan sa Emilio Vergara Highway sa Cabanatuan City. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar