Matapos ang mahigit apat na taong hospital arrest ay ngayon lamang personal na nararanasan ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang matinding trapik sa Metro Manila na nakaapekto na sa ekonomiya ng bansa.

Kaya’t katuwang si Marikina Rep. Bayani Fernando, inihain niya ang House Bill 554 o “Metro Manila Traffic Crisis Act of 2016”.

Nilalayon nito na pangkalooban ang Pangulong Duterte ng awtoridad na magpatupad ng mga patakaran at programa, at pumasok sa mga lehitimong kasunduan at proyekto upang malutas ang krisis sa trapik. Iiral at balido ang kapangyarihang ito sa loob ng dalawang taon at mawawalang-saysay lamang sa kapasiyahan ng Kongreso. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'