Ang pinakamatitikas na batang basketbolista na sumabak sa TM Basketball Para sa Bayan clinics sa Cavite, Bulacan, Cebu at Davao ay magkakasubukan sa pagsabak sa National Basketball Association’s 3-on-3 competition sa Agosto 19-21 sa Manila.
Pambato ng Team Davao sina Czarlo Lorenzo Salvador, Laurence Cyrel Nuenay, Tristan Maurice Coquilla at Giero Velasquez, habang dadalhin nina Adrian James Canales, Marc Gabriel Canales at Kyle Clapis ang Team Cebu sa 10-12 category.
Para sa 13-15 division, lahat ng kalahok ay nagmula sa Luzon, habang dalawang koponan ang kakatawan sa Cavite.
Pambato ng Cavite sina Rexeus Raziel Moldez, John Christian Hernandez, Lee Rodney Kiofranz Marallag, Devon Dein Diez, Steven Kurt Grado at Justin Jolo, habang bibida para sa Bulacan sina Sean Ashley Junio, Clarenz Camua at Patrick Jasper Abuan.
Lahat ng batang kalahok ay nabigyan ng tamang diskarte at kaalaman ni Gilas member at pro player LA Tenorio, sa pamamagitan ng TM Basketball Para sa Bayan clinics. Ang programa ay itinataguyod ng Globe Telecom, sa pakikipagtulungan ng Method Basketball Academy ni Tenorio.
“If you have determination and will to succeed, you can overcome so many challenges and this is what we want the kids to learn. Even if they are from underprivileged background, even if they don’t play in the hard court, they still have a chance if they will work hard. That is why we bring the TM BPSB clinics to these kids to open opportunities for them such as the NBA3X,” pahayag ni Fernando Esguerra, Director of Globe Citizenship.
“We want to help the youth by providing resources to this advocacy. By nurturing their talent, feeding their passion, instilling good values, and creating opportunities, TM may be able to bring out the potential in these kids and lead them towards a better life. TM is Globe Telecom’s value brand offering. The service has gained popularity due to its very affordable text and call promo offers,” sambit naman ni Ray Guinoo, Director of Globe Citizenship.
Bahagi ang TM BPSB ng grassroots sports program ng Globe na nakatuon sa pagpapalawak at pagtulong sa pag-unlad at kalinangan ng batang Pinoy.