Gabi ng Agosto 18, 1783 nang masilayan ang isang malaki, at maliwanag na meteor sa iba’t ibang parte ng Europa. Bago ito mangyari, naiulat na pumasok ito sa Earth, ilang kilometro mula sa ibabaw ng North Sea. Naglakbay ang meteor sa layong 1,000 milya.

Sa Lincolnshire, England, nasilayan ang unti-unting pagkawala ng meteor. Matapos nitong bumiyahe sa English Channel, tuluyan na itong nawala. Naiulat ding nasilayan ang meteor sa Rome sa Italy, Brussels sa Belgium, at sa France.

Ang meteor ang dahilan ng detalyadong imbestigasyon ni Charles Blagden, na bumuo ng eye-witness stories ng meteor at inilarwan itong “electricity fluid.” Gayunman, hindi siya naglathala ng mapa na magpapakita sa paggalaw ng meteor.

Ang maliliwanag na meteor, na hindi karaniwang nasisilayan, ay mabilis lamang maglaho.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’