Hinimok ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga employer sa pribadong sektor na ituring bilang mga kasosyo o katuwang sa negosyo ang kanilang mga manggagawa upang maging kaaya-aya ang lugar ng trabaho at maging mas produktibo ang mga tao.

“I urge all employers to treat your employees as your partners. Give your employees the mandatory benefits that are due them, including security of tenure,” pahayag ni Bello.

Idiniin niya na kailangang sumunod ang mg employer sa general labor and occupational safety and health standards.

“Huwag ninyong pabayaan ang inyong mga manggagawa. Nagtatrabaho sila, hindi lamang para sa kanila, kung hindi para umunlad din ang mga negosyo ng employers. Let them enjoy the benefits that are due them,” aniya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tinuligsa din ni Bello ang contractualization at mahirap na kalagayan ng mga saleslady sa mall.

“Ang mga salesladies ay nakatayo maghapon. Karamihan o lahat diyan ‘endo’. Wala silang security of tenure. Pagkatapos ng limang buwan, aalisin o papahingahin, apply na naman. Ganoon ang trato sa kanila sa malls,” wika pa ng kalihim. (Mina Navarro)