Iginiit ni Senator Sonny Angara ang pagkakaroon ng sports development sa bawat baranggay upang lumaki ang pag-asa ng bansa na makasungkit ng medalya sa mga pandaigdigang kumpetisyon.
Inihalimbawa niya ang Singapore na halos kasinlaki lamang ng Olongapo City pero nakakuha ng gintong medalya sa larangan ng swimming sa Rio Olympics dahil may mga swimming pool ang mga gusali sa pamayanan para pagsanayan ng mga batang atleta.
“Naka-integrate doon sa planning nila yung sports facilities, so each series of five tower blocks sa Singapore, meron silang swimming pool at gym, so it’s a lifestyle,” banggit ni Angara. (Leonel M. Abasola)