Naglabas ang pinagsanib na puwersa ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) at Volunteers Against Crimes and Corruption (VACC) ng listahan ng mga umano’y smuggler ng semento sa bansa.

Ayon kay Rodolfo “RJ” Javellana, Jr., tagapagsalita ng UFCC, may 14-pahinang dokumento ang kanilang isinumite sa tanggapan ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon at nakapaloob dito ang 30 pangalan ng mga taong sangkot sa smuggling ng semento.

Kadalasan umanong ginagawa ng mga sindikato ang “under valuation” o hindi pagbabayad ng tamang buwis kayat nawawalan ang pamahalaan ng P200 bilyon kita bawat taon na malaking tulong sana sa proyektong imprastraktura ng administrasyon.

Sinabi ng grupo na bahala na si Faeldon na magsagawa ng sariling imbestigasyon bago ibunyag ang pangalanan ng mga ito. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'