HIDI lamang payo sa lahat ng uri ng suliranin ang hatid ni Bro. Jun Banaag sa kanyang malawak na Dr. Love Radio Show sa DZMM. Meron ding mga proyektong pang-ispiritwal.

Pagkatapos ng outreach program na isinagawa sa Iba, Zambales ay dalawang pilgrim tour ang gaganapin sa tulong ng kanyang kaibigang si Pepito Reyes.

Una ang pagpunta sa Shrine of Our Lady of Manaog sa Pangasinan. Pinapaniwalaang milagrosa ang imahen kaya’t dinarayo ito ng mga deboto. Ang one day tour ay gaganapin sa Agosto 20.

Sa kalagitnaan ng Setyembre ay sa matulaing isla ng Batanes naman pupunta ang tropa ni Dr. Love. May one day na pagninilay o spiritual retreat na gaganapin sa pamumuno ni Bro. Jun bilang spiritual director ng tour. Ayon mismo sa kanya, isa itong pambihirang pagkakataon upang pagnilayan ang ating relasyon sa Maykapal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Holy Land naman ang destinayon ng pilgrims sa Nobyembre. Isa itong naiibang karanasan lalo na sa first timers sa sagradong lugar na sinilangan, nilakhan, pinamuhayan at kinamatayan ni Panginoong Hesus. (REMY UMEREZ)