MINGLANILLA, Cebu – Nagdulot ng pagkabahala sa mga lokal na opisyal ng Cebu ang sikat na sikat na mobile game na Pokemon Go kaya naman pinaplano ngayon ng Sangguniang Panglalawigan (SP) na ipagbawal ito sa lahat ng paaralan sa probinsya.
Inaprubahan na ng SP ang resolusyon, na inakda ni Board Member Glen Bercede, na humihiling sa Department of Education (DepEd) na magpalabas ng memorandum mna magbabawal sa paglalaro o pangongolekta ng mga Pokemon sa loob ng mga campus.
“Pokemon Go has already created havoc, even in just few weeks of its release, linking to incidents like robbery of gadgets, a man falling to an alley in an effort to capture the character, and a man was even shot and killed while playing the game in the US,” saad sa resolusyon.
“The province of Cebu could not afford to wait for incidents of similar nature to be happening to young children, hence there is an urgent need to ban the playing of Pokemon Go within school premises,” giit ni Bercede.
Una nang nagpasa ng resolusyon ang Mandaue City Council na nagbababala sa mga motorista at pedestrian laban sa paglalaro ng Pokemon Go habang nagmamaneho o naglalakad sa mga abalang kalsada ng siyudad. (Mars W. Mosqueda, Jr.)