Mga Laro ngayon

(Alonte Sports Arena,

Binan, Laguna)

(Game 1 of Best-of-3 Finals)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

4:30 n.h. -- Tanduay vs Phoenix

Maiksi lang ang serye kung kayat asahan ang mas maaksiyong tagpo sa paghaharap ng Tanduay at Phoenix sa Game 1 ng best-of-three championship ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Alonte Sports Arena sa laguna.

Nakatakda ang duwelo ganap na 4:30 ng hapon.

Ginapi ng Phoenix ang dating kampeong Café France upang umusad sa ikatlong sunod na championship round.

“Our goal is to be there in the Finals. We want to win and play with all our hearts,”pahayag ni coach Eric Gonzales ng Phoenix. “I’m just thankful sa players dahil they lived up to the challenge.”

Pinangunahan ni MVP contender Mike Tolomia katulong sina Mac Belo, Ed Daquioag at Roger Pogoy ang malaking panalo ng Accelerators.

Kontra sa Rhum Masters, higit pa ang kailangan nilang maipakitang husay.

Hindi nagkamali ang Rhum Masters sa pagkuha kina Gilas cadets Gelo Alolino at Kevin Ferrer na kapwa nagbigay ng katatagan sa koponan.

“We want to go all the way. Hindi lang Finals ang hinahabol namin. Gusto namin mag-champion,” pahayag ni coach Lawrence Chongson. “It will all mean nothing if we don’t win it all.” (Marivic Awitan)