Nagpakalat ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang puwersa sa mga hangganan ng bansa sa Katimugan upang masupil ang sindikato ng human trafficking.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na nagpuwesto sila ng karagdagang immigration officers at intelligence agents sa Mindanao at Palawan para tiyakin ang seguridad sa backdoor exit.

“We are strengthening our border control operations in the South due to reports of the presence of foreign terrorists and that victims of human trafficking were being spirited out of the country via the backdoor with the help of syndicates and illegal recruiters,” pahayag ng komisyuner.

Ayon kay Morente, karamihan sa mga biktima ng human trafficking ay ibinibiyahe patawid ng Malaysia bago tumuloy sa mga destinasyon sa Gitnang Silangan kung saan sila ay magtrabaho bilang mga kasambahay at iba pang trabaho na may mababang suweldo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Naghigpit ang BI sa backdoor exit kasunod ng pagkakaligtas kamakailan ng pulisya at navy sa 33 biktima ng sindikato ng human trafficking sa Tawi-Tawi, partikular sa Turtle Islands at Sitangkai. (Mina Navarro)