NAGING buhay na buhay ang Hard Rock Café sa Kuala Lumpur noong Linggo ng hapon sa pagtitipun-tipon ng 250 Malaysian at Pilipino para sa isang testimonial concert upang ipagdiwang ang pagkapangulo ni Rodrigo R. Duterte.

Ang konsiyerto ay inorganisa ni Marcus Francis, head ng Melody United, at ni Datuk George Gerald, kapwa Malaysian, upang ipagdiwang ang pagkapangulo ni Duterte.

“There are hardcore supporters and admirers of President Duterte here in Malaysia, and we would like to collectively convey our support to and solidarity with the President,” saad ni Francis sa kanyang welcome remarks. Itinampok ang pagtatanghal ng mga artist ng Melody United at ng mangangawit mula sa Davao na si Kris Patt.

Dumalo sa event sina Philippine Ambassador to Malaysia J. Eduardo Malaya, Philippine Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, Secretary for Interior and Local Government Ismael Sueño, at National Security Adviser Hermogenes Esperon. Ang tatlong huling opisyal ay nasa Kuala Lumpur para sa paglulunsad ng Implementing Panel para sa Bangsamoro agreements.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Ambassador Malaya ang kanyang pagkalugod at pasasalamat sa mga nag-organisa ng pagdiriwang, sinasabi na ang pagiging masigasig ng mga lumahok “indicate that the priorities and programs of President Duterte resonate, not only among Filipinos but also among Malaysians and other nationals.”

“No Philippine leader has energized and electrified Filipinos and foreigners alike since Ramon Magsaysay in the 1950s, and we are fortunate to have a transformational leader now in the person of Rodrigo Duterte,” dagdag niya.

Lubhang pro-Duterte ang mga Pilipino sa Malaysia noong halalan ng Mayo 9. Ang dating kandidato na si Duterte ay kumalap ng 2,275 boto mula sa naitala na 3,055, o 74.46 na porsiyento.

Para sa kanyang bahagi, pinasalamatan ni Secretary Dureza ang mga nag-organisa at mga lumahok sa masigasig na suporta ng mga ito sa administrasyon ni Duterte. Tinanggap niya sa ngalan ng Presidente ang two-foot replica ng kilalang Petronas Towers ng Kuala Lumpur bilang token para sa Pangulo.

Nagpunta sa Malaysia si Kris Patt mula sa Davao at kumanta sa iba’t ibang local hotel at lounge hanggang siya’y nadiskubre ng Melody United at pumirma bilang isa sa mga artist nito. Kamakailan ay naglabas siya ng isang awiting Malay na “Berhenti Menantimu”, na ginawa ng Malaysian composer na si Tom Spider at ng Indonesian lyricist na si Yuka Kharisma, isang halimbawa ng pagtutulungan ng tri-country ASEAN. Kinanta niya ang iba sa mga paboritong awitin ni President Rodrigo Duterte at maya-maya’y naging dance music, na hudyat upang gumitna sa dance floor ang mga bisita.

(PNA)