Nagbabala ang isang international non-government organization (NGO) sa mga ahensiya ng pamahalaan laban sa paglaganap ng online sexual exploitation of children (OSEC) sa Central Luzon, partikular na sa Pampanga.

Sinabi ng International Justice Mission (IJM) na mula 2011 hanggang 2015, nakapaghain sila ng 20 kaso ng OSEC na karamihan ay nagmula sa lalawigan ng Pampangga, Manila at Cebu.

“With the proliferation of new media in developing countries, it is becoming easier to exploit children as even poor communities have cellphones, tablets, and cheap Internet access,” sabi ni IJM Pampanga Field Office Director Rey Bicol sa kanyang talumpati sa Regional Inter-Agency Council Against Trafficking kamakailan.

Hindi gaya ng mga bar o brothel na may permanenteng address, sinabi ni Bicol na ang mga biktima ng OSEC ay maaaring ilipat at abusuhin saan mang lugar, kayat nagiging mas madali sa mga salarin na makaiwas sa kamay ng batas.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

“There are four Philippine laws that criminalize OSEC: Anti-Trafficking Law, Anti-Child Pornography Law, Anti-Cybercrime Law and the Anti-Abuse Law,” dagdag ni Bicol.

Ipinaliwanag ni Bicol na itinuturing na OSEC ang paggawa o pagpapakita ng live o inirekord na mga imahe, video, at audio ng pang-aabusong sekswal sa mga bata o pananamantala para ilathala sa Internet.

Sa mga naitalang kaso sa loob ng limang taon, sinabi ng kinatawan ng IJM na 99 na biktima ang napalaya, ngunit marami pa ang kailangang sagipin. (Franco G. Regala)