TUMPAK ang desisyon ni Pangulong Duterte na payagang ihimlay ang matagal nang nakatenggang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kung pagbabatayan ang batas, RA 289, dito humuhugot ng katig ang Palasyo hinggil sa desisyon nito na tuldukan ang kontrobersyal na huling hantungan ni Marcos.

Nakasaad sa nasabing batas kung sinu-sino ang 10 kwalipikadong magawaran ng karangalan sa pambansang libingan, hal. dating pangulo at first lady, defense secretary, chief of staff, chief ng army, Navy Air Force, beterano ng Bataan, atbp.

Kapag ang sundalo ay “dishonorably discharged” o nahukuman sa kasong “moral turpitude”, saka pa lamang maaaring alisan ng ganitong pribilehiyo at pagbawalan ilibing sa pambansang templo (“pantheon”, ayon sa batas) ng mga bayani.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon pa kay Pangulong Digong, panahon ng “Mapag-isa ang sambayanan”.

Bagay na sang-ayon ako. Kung ang mga Sundalong Hapon na nanakop sa ating bansa – namugot ng ulo, gumamit ng “comfort women”, bayoneta ng sanggol, atbp. noong Pangalawang Digmaang Pandaigdig, na ikinulong natin sa Muntinlupa noong 1945 at napatawad sa 1947 dahil sa amnestiya ni Pangulong Elpidio Quirino (kanyang pamilya rin ay napaslang), siguro mas malawak ang kaisipan at puso ng Pilipino para sa isang kababayan.

Magugunita sa aking nakaraang mga kolum, dumaan din sa kadiliman ng martial law ang sarili naming pamilya– nawalan ng batang kapatid – subalit ang paghuhukom ng kasaysayan ay nasa buong sambayanan at hindi sa poot ng iilan lamang.

Kung ikukumpara ang pumapabor sa kumokontra, higit na mas matimbang ang nais ng ibaon sa limot ang isyu.

Oo matuto tayo sa nakaraan subalit huwag natin gawing pasaning krus ang alaala. Isang programa ng Eagle News sa telebisyon nagkaroon ng survey, halos 90% ang pabor ilagak si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ito ay nagsasalamin sa katotohanan kung bakit ang isang Bong-Bong Marcos ay nagwaging Senador.

At kung bakit makailang beses tumakbo ang hanay ng militanteng tutol sa paglilibing, kahit pa palaging pinapaboran ng media tuwing rally, interview, at kinakabayo ng sikat na mga isyu, hindi makasungkit, ni minsan, ng panalo sa Senado.

Itong katatapos na halalan, kung paniniwalaan ang resulta, natalo lang si Bong-Bong Marcos ng ga-buhok o lampas 100,000 boto sa pagka-bise presidente. Move on na! (Erik Espina)