CHANGSHA (PNA/Xinhua) – Pasisinayahan sa mga bisita ngayong Sabado ang pinakamahaba at pinakamataas na glass bridge sa Zhangjiajie, Hunan Province, central China.
Ang 430-metrong haba, 6-metron lapad na tulay ay nilatagan ng 99 piraso ng tatlong layer ng transparent glass, na nakabitin sa pagitan ng dalawang matatarik na talampas sa taas na 300 metro. Nagtala ito ng 10 world records sa kanyang disenyo at konstruksyon.
Hindi lalagpas sa 8,000 bisita ang papayagang tumawid sa tulay kada araw at kailangan ng reservation bago ang pagbisita.
Nakumpleto ang paggawa ng tulay noong Disyembre. Nitong Hulyo, isang 2-toneladang truck ang tumawid upang patunayan ang tibay ng tulay.
Ang naiiba at tila posteng bundok sa Zhangjiajie ay itinampok sa Hollywood blockbuster movie na “Avatar.” Ang Grand Canyon Scenic Area sa Zhangjiajie ay dinayo ng mahigit 1.2 milyong lokal at banyagang bisita noong 2015.