KASABAY ng pagdiriwang ng Brain Attack Awareness Week na ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo ng Agosto, ipinahayag ng Department of Health (DoH) ang pagkakaloob ng libreng gamot para sa stroke patients sa 26 na pampublikong ospital sa bansa, iniulat ng Philippines News Agency (PNA).
“This alteplase medication will be provided by the DoH,” pagkukumpirna ni Dr. Eric Tayag, DoH spokesperson at assistant secretary, sa isang press briefing na isinagawa sa DoH Media Relations Unit sa Tayuman, Sta. Cruz, Manila.
Ang Alteplase ay gamot para sa mga taong may sakit sa puso (acute myocardial infarctions), stroke, chest pain at rest (unstable angina), blood clots sa baga (pulmonary thrombosis o embolism), at iba pang karamdaman na may kinalaman sa blood clots.
Sinabi ni Dr. Tayag na ang alteplase medicine tissue plasminogen activator ay ipinaiinom sa pasyente sa unang tatlong oras matapos ma-stroke ng pasyente.
“Alteplase is truly a life-saving drug and every stroke patient eligible to receive it should have access to it,” ayon sa DoH official.
“Only patients who have ischemic type of stroke, or those with blocked blood vessels in the brain, will benefit from this,” ayon pa kay Dr. Tayag.
Idinagdag niya na ang nasabing gamot ay hindi maaaring ipainom sa mga pasyenteng may hemorrhagic strokes. At dahil mahalaga ang bawat oras, sinabi niya na mahalagang maisugod agad ang pasyente sa ospital.
Pinaalalahanan din ni Dr. Tayag na bago painumin ang pasyente ng nasabing gamot, kinakailangang sumailalim na ito sa CT scan tests at matukoy ang oras kung kailan inatake ang pasyente.
Aabot sa P30 milyon ang inilaan ng DoH ngayong taon para mabili ang mga gamot upang masigurong mayroon ito sa mga ospital at matulungan ang mga stroke patients.
Mahigit 1,000 stroke patient ang inaasahang makikinabang sa libreng Medical Assistance Program.
Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 15 stroke patient ang nakakuha na ng nasabing gamot, at lahat sila ay nasa maayos na kalagayan.
Narito ang 26 na pampublikong ospital na maaaring makuhanan ng libreng Alteplase: East Avenue Medical Center; Philippine Heart Center; Jose R. Reyes Memorial Medical Center; National Kidney and Transplant Institute; Quirino Memorial Medical Center; Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center; Philippine General Hospital; Ilocos Training and Regional Medical Center; Mariano Marcos Memorial Medical Center; Cagayan Valley Medical Center; Southern Isabela General Hospital; Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital; Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center; Batangas Medical Center; Bicol Regional Training and Teaching Hospital; Bicol Medical Center; Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital; Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital; Western Visayas Medical Center; Eastern Visayas Regional Medical Center; Zamboanga City Medical Center; Cotabato Regional and Medical Center; Northern Mindanao Medical Center; Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Regional and Teaching Hospital; at Southern Philippines Medical Center.