Sa kabila ng paulit-ulit na pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘kagandahan’ ni Vice President Leni Robredo, hindi naman ito minamasama ng huli.

“I think pinapasaya lang siguro ni Presidente iyong mga kausap niya,” ani Robredo nang tanungin hinggil sa pag-amin ng Pangulo na nakatingin ito sa kanya tuwing may Cabinet meeting.

Sinabi ni Robredo na hindi siya apektado sa mga pabirong pahayag ng Pangulo dahil palabiro naman ito, lalo na sa kanyang pagsasalita.

“Tingin ko baka mas joke time lang iyon,” dagdag pa ni Robredo.

National

De Lima sinagot pahayag ni PBBM sa umano'y pagtatapos ng ICI: 'Talaga ba?'

Magugunita na kamakailan lang, habang nagtatalumpati si Duterte sa kampo ng mga sudalo sa Labangan, Zamboanga del Sur, binanggit ng Pangulo na hinahangaan nito ang ganda ng Bise Presidente.

Sinabi ng Pangulo na mahirap umanong makinig sa magandang presidente sakaling mahalal na pangulo si Robredo, o kaya’y palitan nito sa pwesto si Duterte, sakaling hindi makumpleto ng huli ang kanyang termino. (Raymund F. Antonio)