INAH copy

MARAMI ang nagtaka nang pumirma ng kontrata sa GMA Network si Inah de Belen na sa halip na gamitin ang apelyido ng amang si John Estrada ay surname ng kanyang inang si Janice de Belen ang taglay niya.

Ayon sa interview sa kanya sa “Chika Minute” ng 24 Oras, napagpasiyahan nilang gamitin ang surname ni Janice dahil marami na ang gumagamit ng surname na Estrada sa showbiz. Nagpaalam naman daw sila sa daddy niya at pumayag ito.

Screen name lang naman ang Inah de Belen at mananatiling Inah Estrada ang legal name niya.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Pagkatapos pumirma ng exclusive contract sa harap ng GMA executives, binigyan agad si Inah ng isang drama series sa afternoon prime, at may pinamagat itong Oh My Mama.

Siyempre pa, excited nang makapagsimula ng first project niya sa GMA7 ang young actress. Based sa bumubuo ng cast, mukhang drama ang genre ng seryeng gagawin nila.

Magiging leading men ni Inah sa first starring role niya sina Jake Vargas at Jeric Gonzales. Makakasama nila sina Gladys Reyes, Epi Quizon, Arthur Solinap, Ryan Eigenmann, Yul Servo, Eunice Lagusad, Teri Malvar, David Remo, Sofia Pablo, Jhiz Deocareza, Bryce Eusebio, mula sa direksiyon ni Neal del Rosario. (NORA CALDERON)