MOSCOW (PNA/Reuters) – Inaprubahan ng China at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang dalawang dokumento sa pamamahala sa mga hindi inaasahang engkuwentro at kagipitan sa mga pinagtatalunang karagatan.

Sa ulat ng Chinese media noong Miyerkules, nakasaad na layunin ng dalawang dokumento na magtatag ng hotline sa matataas na opisyal upang agad na makatugon sa maritime emergency situations sa South China Sea.

Sinabi ni Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin na ang mga dokumento sa hotline at mga hindi inaasahang engkuwentro ay ihaharap para sa final approval ng mga lider sa Laos sa susunod na buwan matapos ang pagpupulong China at mga 10 miyembro ng ASEAN. Inaasahang isasapubliko ito sa Setyembre.

Inaprubahan ang dalawang dokumennto sa 13th Senior Officials’ Meeting on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea sa Inner Mongolia Autonomous Region ng China.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'