“May nagsabi na sa akin, ngayon lang. So it’s very surprising. Alam mo ang first reaction ko ngayon, ayaw ko nang patulan ‘yan. I don’t want to dignify that, it’s so foul. It’s character assassination.”
Ito ang binigyang-diin kahapon ni Senator Leila De Lima matapos maramdamang siya ang ‘binabanatan’ ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinasabing ‘immoral woman’ at adulterer.
Sa kabila nito, umaasa umano si De Lima na aaktong propesyunal na public servant ang Pangulo sa halip na siraan ang kanyang mga katunggali sa pulitika.
“Pareho kaming professional ng Pangulo, pareho rin po kaming public servants, sana hindi ho siya nagre-resort sa ganyan na mga foul means,” ayon sa Senadora.
“To me that’s very foul. Saan man nanggaling ‘yung information na ‘yan, sana dino-double check. Sana inaalam ang source kanino man nanggaling ‘yan...that’s really foul. Ayaw ko talaga i-dignify ‘yun,” dagdag pa nito.
Sa kanyang speech sa 115th police anniversary sa Camp Crame, binira ni Pangulong Duterte ang ‘babaeng senador’ na bumabatikos sa kanyang anti-drug campaign.
“Here’s a Senator complaining. One day I will tell you that her driver himself, who was a lover, was the one collecting money for her during the campaign,” ani Duterte.
“An immoral woman, insofar as the driver’s wife is concerned, it’s adultery. Here’s a woman who funded a house of a lover and yet we don’t say any complaint about it,” dagdag pa nito.
Magugunita na ipinorma ni De Lima ang imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings na nagaganap, kasabay ng kampanya laban sa ilegal na droga. (Hannah L. Torregoza)