Hindi pa sigurado ang pamahalaan sa panukalang palawigin pa ang value added tax (VAT) na naglalayong palakasin ang kita ng pamahalaan.

Sa kabila ng report na hindi pabor ang mga mambabatas na ibasura ang ilang VAT exemptions, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na patuloy pa ring pinag-aaralan ng pamahalaan ang panukalang reporma sa pagbubuwis.

“There were talks about this but nothing is final yet,” ayon kay Abella sa isang press briefing.

Magugunita na nang isumite si Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang 2016 budget sa Kongreso, hiniling nito na magpatibay ng batas ang mga kongresista na naglalayong ireporma ang VAT, kabilang dito ang expanded VAT base, at isabay ang oil excise taxes sa inflation.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga nasabing tax measure ay naglalayong punan ang P75 bilyon na mawawala sa pamahalaan dahil sa pagpapababa sa individual at corporate taxes.

Sa iba pang ulat, isinulong naman ni Senator Bam Aquino ang panukalang alisan ng VAT ang singil sa kuryente.

Sa kanyang Senate Bill 670, sinabi ni Aquino na dapat ay alisan ng VAT ang mga transaksyong may kinalaman sa kuryente tulad ng generation, transmission at distribution. Sa pamamagitan nito, mas murang singil sa kuryente naman ang ipapataw sa mga kabahayan. (Genalyn Kabiling at Leonel Abasola)