RIO DE JANEIRO (AP) – Panandalian lamang ang kasiyahan na hatid ni Filipino-American Eric Cray.

Kinapos ang 24-anyos na si Cray sa ratratan sa semifinal heat nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa naisumiteng 49.37 segundo sa Olympic 400-meter hurdles.

Ang naturang tyempo ay sapat lamang sa ikapito sa kanyang grupo at malayo sa 49.05 na naitala sa qualifying heats nitong Lunes.

Nanguna si American Kerron Clement sa una sa tatlong semifinal race tangan ang 48.26. Ginapi niya si Boniface Mucheru (48.85).

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Umusad din sa finals ang apat na runner, sa pangunguna ni Annsert Whyte ng Jamaica na may tyempong 48.32 segundo.