Tinutugis na ng Quezon City Police District (QCPD) ang umano’y mga vigilante ng isang drug syndicate makaraang pagbabarilin ang katiwala ng isang computer shop sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni QCPD-PS4 Commander Police Supt. Jerico Baldeo ang biktima na si Federico Ramirez, alyas “Pudong”, 47, stay-in sa binabantayang computer shop sa I-3 Road 7, Don Julio Gregorio St., Barangay Bagbag, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ni PO2 Randy Flores, desk officer ng QCPD-PS4, dakong 9:00 ng gabi kamakalawa, bigla na lamang umanong pinagtatadyakan ng tatlong lalaki na nakasuot ng bonnet ang pintuan ng computer shop na nasa ikalawang palapag sa nasabing lugar.

Marahil ay natunugan umano ng biktima na siya ang pakay ng mga armado kayat nagdesisyon itong tumalon sa bintana ngunit nahabol siya ng mga ito at pinagbabaril hanggang sa duguang tumimbuwang sa semento.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na dating umanong drug pusher si Ramirez. (Jun Fabon)