RIO DE JANEIRO (AP) — Tulad nang inaasahan, tumawid sa finish line si Usain Bolt nang walang sagabal.
May kabagalan sa tyempong 20.28, ngunit sigurado na ang Jamaican star para sa isa pang pagkakataon na makamit ang triple gold medal sa 200 meter run sa ginanap na semifinal nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
“I know how to run the 200,” pahayag ni Bolt.
“It’s all about just reminding myself. Tomorrow, I’ll show up with much better progress. I have to run fast, and so I’m looking forward to that.”
Tatangkain ni Bolt na nakamit ang No. 8 gold medal sa Olympics sa finals ng 200-meter sa Huwebes (Biyernes sa Manila).
Ang hinihintay na lamang ay kung maibaba niya ang tangan na record time.
Hawak ni Bolt ang world record sa 19.19 segundo at Olympic mark na 19.30 segundo.
Naghihintay na makasingit sina American Justin Gatlin at Canadian Andre De Grasse, tumapos sa 2-3 sa likuran ni Bolt sa 100-meter finals.