Isa na namang bangkay ng hindi kilalang lalaki, pinaniniwalaang biktima ng salvage, ang natagpuan sa isang tulay sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 40 hanggang 45, nakagapos ang mga kamay at naliligo sa sariling dugo sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Sa ulat na natanggap ni Pasay City Police chief Sr. Supt. Nolasco, dakong 3:00 ng madaling araw nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang babae ipinaalam ang masangsang na bangkay ng lalaki sa Tripa de Galina Bridge, Sen. Gil Puyat Avenue.

Narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng Southern Police District ang limang basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Barangay Captain Nestor Advincula ng Bgy. 46, hindi residente sa lugar ang biktima.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya upang alamin ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng salarin. (Bella Gamotea)