TANAUAN CITY - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakabalot ng garbage bag at nakatali ng kawad ang mukha sa Tanauan City.

Ayon sa report ni PO1 Jhune Carlo Coballes, dakong 5:50 ng umaga nitong Martes nang matagpuan ng isang barangay tanod ang bangkay sa kalsadang sakop ng Barangay Sambat sa lungsod.

Nasa 5’2” umano ang taas ng biktima, edad 30-35, nakasuot ng asul at itim na T-shirt, at puti ang shorts.

Narekober ng mga pulis ang isang cell phone sa bulsa ng biktima at nakita roon ang umano’y mga posibleng transaksiyon sa bentahan ng droga. (Lyka Manalo)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City