TARLAC CITY – Kasunod ng isang linggong pag-uulan na dulot ng habagat, nasa 25,851 pamilya o 113,529 katao sa 173 barangay sa Central Luzon ang naapektuhan ng kalamidad.
Sinabi ni Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Chairperson at Office of Civil Defense (OCD)-Region 3 Director Josefina Timoteo na aabot sa 3,140 pamilya o 13,485 katao ang tumutuloy pansamantala sa 104 na evacuation center.
Sa huling update ng RDRRMC, kumpirmadong nasawi sa pagkalunod si Rufino Lozada, 74, ng Barangay Upig, San Ildefonso, Bulacan; habang nawawala naman si Joseph Cepeda, 18, ng Bgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan makaraang tangayin ng malakas na agos ng tubig. (Leandro Alborote)