GUIMBA, Nueva Ecija – Inakala marahil ng dalawang aminadong sangkot sa droga na makakalusot na sila sa ginawa nilang pagsuko sa awtoridad, ngunit nasakote pa rin sila ng mga pulis sa isang buy-bust operation sa Barangay Casongsong sa bayang ito, Lunes ng gabi.

Naaresto si Jeremy Sabaiton y Laureano, 19, binata, ng Bgy. Pasong Intsik matapos makipagtransaksyon sa poseur buyer at makumpiskahan ng plastic sachet ng shabu.

Nasakote naman sa pot session sina Lawrenz Lumaquin y Ventura 24, ng Bgy. Casongsong; at Ferdinand Cucio y De Guzman 46, ng Bgy. Pasong Intsik, at nakumpiskahan ng ilang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Batay sa record ng pulisya, una nang sumuko sa awtoridad sina Sabaiton at Cucio. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar